I love you Pare..
Chapter 1
(De javu’)
(De javu’)
“Aray ko!”
Makabasag eardrum kong sigaw ng mabangga ako ng isang malaking bulto habang papasok ako ng aming univeristy.
Imaginin mo sa payat kong ito at sa tangkad nya with matching medyo bulky na katawan T_T
Sabay bubungguin pa ako ng impaktong ito.
>.< tsss.
“Sorry Miss ha!” sigaw nito habang nagmamadaling lumakad palayo
Aba at hindi man lang talaga ako tinulungan O_O
“Impakto ka nabangga mo na nga ako eh..”
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko kasi biglang bumalik sakin ang ala ala ng kahapon na gusto ko ng kalimutan T_T
(The Past)
When Alex meets Timoymoy.
When Alex meets Timoymoy.
Riririnnnnnngggg!!!
Malakas na tunog ng alarm clock ni Alex na nasa side table ng kanyang kama,
“Nakakatamad namang bumangon T_T” marahang bulong nya sa sarili.
“Alessandra bumangon ka na dyan at mahuhuli ka na sa school” ang kanyang mama
“Opo Ma maliligo lang at bababa na din”
Makaraan ang ilang minuto nasa hapag kainan na si Alex para mag agahan, ng punahin ng kanyang ina ang suot nyang uniporme.
“Ano ka ba namang bata ka papasok ka sa eskwelahan na pantalon ang suot suot mo imbes na palda, buti kung papasukin ka ng mga gwardiya. Unang araw mo pa lang sa Unibersidad baka mapagalitan ka”
.
“Ma, ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na hindi ako magsusuot ng palda, never”
“Aba Alessandra, ka babae mong tao palaging pantalon, malalaking t-shirt at sombrero ang gusto mo, anak magpaka babae ka naman na, kung bakit ba kasi hindi pa naging babae ang mga kuya mo di sana babae ka din” malungkot na tugon ng kanyang ina
“Ma ito ho ang gusto ko, tanggapin nyo na lang po” natatawang sagot nya sa kanyang ina habang akap akp niya ito.
Tatlo kaming magkakapatid, at sa kasamaang palad nag iisa akong babae, dalawang barako ang mga nauna sakin, Si kuya Jomar na isa na ngayong Architect sa isang sikat na construction firm at naka base sa Singapore, at si kuya Jonas naman isa ng ganap na Abogado. Mga bata pa lang kami paborito ko na ang paglalaro ng mga larong panlalaki, basketball, wrestling, mga computer games. Kadalasan pag binibili ako ng nanay ko ng mga barbie andun lang sila nakalagay sa aparador ko naka display, oh diba ^_^ Unang araw ko ngayon sa unibersidad na dati nilang pinapasukan, ang kurso ko?
Chemical Engineer..
bakit ito?
Gusto ko kasi makadiskubre ng isang chemical na pwedeng gawing pampasabog. ^_^
Mahaba na pala ang aking pagmumuni muni muntikan pa akong lumagpas -_-
Pagdating ko sa aming School..
Ang haba ng pila T_T
Alas otso ang unang klase ko pero, 7:30 na nandito pa din kami sa gate kasi isa isa pang tinitignan ng guard ang mga bag namin. Kung bakit ba naman kasi nauso uso pa ang ganitong sistema, hindi naman kami mga terorista. Sa tingin ba nila may magtatangka sa amin na magdala ng bomba? Bakit may abu sayyaff ba dito?
Sa wakas!!
Nakapasok na din kami ng building ^^, buti na lang hindi nila napansin na nakapantalon ako. Hindi naman pala sila mahigpit pagdating sa uniporme.
Teka, saan nga ba ang room ko T_T
*Tingin sa COM..*
CHEM 001 Chemistry 1 MT 404Main
So, sa ika-apat na palapag pala ang unang klase ko buti na lang 15 minutes pa bago magsimula ang klase namin -_-
“Aray ko!”
Makabasag eardrum kong sigaw ng mabangga ako ng isang malaking bulto habang papasok ako ng aming univeristy.
Imaginin mo sa payat kong ito at sa tangkad nya with matching medyo bulky na katawan T_T
Sabay bubungguin pa ako ng impaktong ito.
>.< tsss.
“Sorry Miss ha!” sigaw nito habang nagmamadaling lumakad palayo
Aba at hindi man lang talaga ako tinulungan O_O
“Impakto ka nabangga mo na nga ako eh tapos hindi mo man lang ako tutulungan!! May araw ka din sakin!” sigaw ko sa kanya habang dahan dahan akong tumatayo.
Nang marating ko ang aming classroom, tignan mo nga naman kung sino ang nandun
>.<
Pag minamalas ka nga naman talaga T_T
“Oh magkaklase pala tayo miss” tawag pansin sakin ni Impakto O_O
Para lang akong walang narinig at dirediretso akong naupo sa may bandang likuran, lahat ata ng mga kaklase naming babae napatingin sakin, siguro nagtataka sila paano ako nakapasok ng nakapantalon samantalang sila ay naka palda ^_^
Deadma
Habang inaayos ko ang aking mga gamit sa aking upuan biglang lumapit sakin si Impakto.
T_T
“Sorry kanina Miss ha, nasaktan ka ba?” Tanong ni Impakto sakin. Sa tangkad nya na yun at medyo may kalakihan nyang katawan hindi himala kung halos matangay na niya ako kanina T_T
“Natural nasaktan ako, umaray eh, may aaray ba naman na hindi nasaktan -_^” tuloy tuloy kong litanya.
“Pasensya na miss ha -_- , nagmamadali kasi ako kanina akala ko kasi malalate na ako”
“Bakit?? Ako ba sa tingin mo hindi nagmamadali? Sa tingin mo ba nag dadaydreaming ako habang naglalakad?” mataray ko na naman na sagot sa kanya.
“Sorry na talaga Miss T_T, paano mo ba ako mapapatawad?”
Save by the bell ako kasi pumasok na ang aming Prof ^_^ mukha nga lang nangangain ng tao si Ma’am
O.o
Matapos ang ilang pagpapakilala at orientation sa aming magiging subject, sa wakas lumabas na din si Ms. Castro ang prof namin sa Chemistry 1
Papalapit na naman sakin si Impakto *tago*
“Ahm, Miss ako nga pala si Timothy, Timo for short pwede bang makitabi sayo?” pagpapakilala ni Impakto
“So ano naman ngayon kung ikaw si Timo ^_-? Pakelaman ko? Madaming silya na bakante dun ka maupo”
“Ang sungit mo naman -_-“
At hindi pa rin nya talaga ako nilubayan >.<
“Ahm, Alessandra galit ka pa rin ba sakin? Patawarin mo na ako” pangungulit ni Timothy sakin.
T_T
“Correction! It’s Alex! Bakit ba kasi napakahalaga sayo kung papatawarin kita o hindi?”
“Syempre ayaw ko ng may kaaway no, mahirap na baka ipa salvage mo pa ako”
Ano daw O.O
“Bakit ano bang tingin mo sakin kamag anak ni Hitler”
“Hindi naman , sige na bati na tayo”
“Sapakin na kita eh”
Mabilis na lumipas ang aming isang linggo bilang studyante, as usual si Impakto susunod sunod sakin panay pa rin ang pangugulit, hindi ko pa rin ba daw sya patatawarin -_-
Minsang kumakain ako sa cafeteria ng mag isa, bigla syang lumapit sakin T_T sira na naman ang araw ko
>.<
“Alex makikitabi ha wala kasi akong kasama kumain”
“Pwede ba Mr. De Dios ang dami dami namang silya at mesa na bakante”
“Sige na Alex tatabi lang naman eh T_T”
“Oh sya maupo ka na baka masapak pa kita”
“Sungit T_T”
You have a message.. You have a message..
Anak ng pitong kuba naman tong cellphone na to oh T_T
>> Alex invite sana kita sa praktis ng banda, wala na kasi si Irish umuwi na ng Pampanga, diba marunong ka naman kumanta”
sender: Michael.tuliro
<< Mike!!! Di ako sanay kumanta sa banda banda nakakahiya
>> Alex, ano ka ba alam ko naman ang kakayahan mo, sige may ipapakilala din ako sayo na magiging bagong miyembro ng banda, ang alam ko taga school mo din yun. Isa pa baka yun ang maging way para maging babae ka ^_^”
<< Sapakin ko pa yun eh!
Alas siyete ang naging usapan namin ni Michael, dadaanan nya daw ako dito sa amin sabi ko naman baka mapisat ako ng kotse nya O.O kaya heto ako ngayon nakatunganga sa tapat ng pintuan namin. Limang minuto na lang at wala pa din ang tuliro na yun T_T.
“Alex tara na” sigaw ni tuliro na kadarating lang.
“Kung di lang talaga kita kaibigan nungkang mapasama mo ako dito”
“Alam ko naman na di mo ako matitiis, at mukhang interesado ka sa ipapakilala ko sayo ”
“Gusto mo pa bang sumama ako o gusto mong magkaroon ng steak sa mata”
“Hahahaha wala akong pagpipilian ah, biro lang, tara na nga”
Mabilis naming natunton ang bahay nila Ralph ang isa pa sa mga kaibigan ko na miyembro din ng banda, pansinin nyo lang puro boys kaibigan ko no, ayoko kasi ng babae maarte -_^. Ngayon lang talaga ako napilit nitong mga mokong nato na sumali sa banda nila, nahihiya kasi talaga ako kaya ayokong sumali.
“Tol nandito na si Alex nahaltak ko na sa wakas” masayang wika ni Tuliro kay Ralph.
“Buti tol napapayag mo ang Tigress hahahaha” tatawa tawang sagot naman ni Ralph
“Aalis na lang pala ako bubwisitin nyo lang ako dito eh”
“Biro lang Tol, ikaw naman oh, sya pala papakilala ko sayo ang magiging guitarist natin padating na siguro yun, gwapo yun Lex, baka maging way na yun para maging babae ka na ”
“Ahm, gusto mo ba makatikim ng steak Ralph”
“Oh heto na pala eh”
Nang lingunin ko kung sino ang dumating...
OH MY GULAY T_T , si IMPAKTOW -_-
“Alex??” gulat nyang naibulalas.
“Impakto este Timothy ikaw pala”
“Wow magkakilala kayo” si Ralph
“Hindi, hindi kami magkakilala” baling ko kay Ralph
“Ikaw talaga Alex, puro ka kalokohan”
Ako pa ngayon ang puro kalokohan T_T.
Ito namang si impakto ngingiti ngiti lang. Nalaman ko pinsan pala si Impakto ng kabarkada ni Mike, yun ang nagturo kay Mike na marunong itong mag gitara.
“Buti na lang magkakilala na kayo at least di na kayo magkaka ilangan, tsaka na natin ipraktis ang kanta mo Alex pag isipan muna natin ang mga pwede mong kantahin”
Ano daw O.O
Buti na lang hindi pa ako kakanta ^_^
Yun ang naging daan para makilala ko at maging kaibigan si Timothy.
Nalaman ko na mahilig pala sya sa Music actually pareho naming paborito ang mga kanta ng Aerosmith at ng Pop Rock band na Imago ^_^
Minsan Jamming daw kami ng isang i don’t wanna miss a thing T_T
Pagdating naman sa sports basketball ang hilig namin., pero wag ka talo ko yan sa basketball ^_^
Medyo mahilig din kami sa konting literature. Idol nya si Shakespeare T_T, samantalang ako si Fernando Poe ^_^ ay si Edgar Allan Poe pala
Masaya at masarap kasama si Timo, sobrang kulit pa. Sa sobrang kakulitan nga nya binansagan ko siyang Timoymoy abnoy, sobra kasi, para talagang abno >.<.
Pero in fairness kahit na babae din ang gusto ko hindi ko maitatago na napahanga ako sa kagwapuhan ni Timoymoy, matangkad, matangos ang ilong at medyo singkit ang mata bagay na gusto ko kung sakaling maging babae ang puso ko ^^,.
No comments:
Post a Comment