Monday, September 19, 2011

Bakit?

 Bakit?
   Simula ng huli nating naging pag uusap lagi ko ng tinatanong sa sarili ko kung bakit. Bakit kita nakilala? Bakit kailangang sa komplikadong sitwasyon? Bakit ngayon lang? Bakit hindi mo tinupad yung sinabi? At napakarami pang bakit. Alam ko may dahilan ang lahat ng bakit ko kung ano man ang mga iyon kailangan kong tanggapin. Bakit? Siguro ganun lang talaga ang buhay kailangang tanggapin ang katotohanan kahit na ang katumbas nito pighati sa puso. Pero isang bagay lang ang masasabi ko hindi ko pinagsihan ang mga nangyari satin masaya man yun o malungkot atleast naging kahati kita sa pagkakataon na iyon. Masakit man ang naging paghihiwalay natin. Sana sa pagkakataong ito kahit sandali nakakabahagi pa din ako ng isipan mo kasi ako walang pagkakataon na hindi ka dumalaw sa pusot isipan ko.

No comments:

Post a Comment